Libreng Tindahan
Wednesday, March 3, 2010
Doon sa self-transformation seminar na sinalihan ko ay naikuwento ni Mr. Vic Hao Chin na sa India ay mayroon lugar na tinatawag na Auroville. Ang lugar na ito ay isang "UNIVERSAL TOWN where men and women of all countries are able to live in peace and progressive harmony above all creeds, all politics and all nationalities. The purpose of Auroville is to realise human unity."
Sabi ni Mr. Vic na sa lugar na ito ay may LIBRENG TINDAHAN kung saan ang "mamimili" ay pupunta doon at kukuha ng kanyang pangangailan nang walang bayad. Pipirma ka lang at isusulat ang inyong nakuha. Ang mga stocks o items dito ay pawang mga donasyon lamang at hinihingi sa mga "mamimili" na magdonate rin pero dahil donation nga hindi ito sapilitan.
Ang tindahan na ito ay walang security guard at mga volunteers lang ang nag-aasikaso dito.
Hmmm, Pwede kayang magtayo ng isang libreng tindahan dito sa pilipinas? Baka naman sa isang oras ubos na ang "paninda" dito?