Libreng Tindahan

Wednesday, March 3, 2010

Doon sa self-transformation seminar na sinalihan ko ay naikuwento ni Mr. Vic Hao Chin na sa India ay mayroon lugar na tinatawag na Auroville. Ang lugar na ito ay isang "UNIVERSAL TOWN where men and women of all countries are able to live in peace and progressive harmony above all creeds, all politics and all nationalities. The purpose of Auroville is to realise human unity."

Sabi ni Mr. Vic na sa lugar na ito ay may LIBRENG TINDAHAN kung saan ang "mamimili" ay pupunta doon at kukuha ng kanyang pangangailan nang walang bayad. Pipirma ka lang at isusulat ang inyong nakuha. Ang mga stocks o items dito ay pawang mga donasyon lamang at hinihingi sa mga "mamimili" na magdonate rin pero dahil donation nga hindi ito sapilitan.

Ang tindahan na ito ay walang security guard at mga volunteers lang ang nag-aasikaso dito.

Hmmm, Pwede kayang magtayo ng isang libreng tindahan dito sa pilipinas? Baka naman sa isang oras ubos na ang "paninda" dito?

6 comments:

ʎonqʎʇıɔ March 3, 2010 at 7:18 AM  

patay tayo dyan! papakyawin mga boy bawang! lol

Arvin U. de la Peña March 3, 2010 at 11:00 AM  

malabong magtayo niyan dito sa ating bansa..baka di abutin ng isang oras ay ubos na..

Mrs. Kolca March 3, 2010 at 3:36 PM  

gusto ko yan.. libre lahat kamo? hehe.. pero totoo, baka wala pang isang oras ay ubos na ang tinda nila ..haha!

Mangyan Adventurer March 14, 2010 at 7:54 PM  

For sure hindi... Malulugi ang tindahan... Kawawa naman... Haha!

Tiradauno May 16, 2014 at 4:14 PM  

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Post a Comment

About This Blog

  © Blogger template Foam by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP