Masaya Pero Malungkot
Thursday, December 10, 2009
Kahahatid ko lamang ang aking pamangkin sa airport. Masaya ako kasi pagkatapos ng isang taong paghihintay ay nakalipad na rin siya patungo sa ibang bansa. Ay sa wakas kako, may katuwang na ang kanyang nanay sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid, well hopefully. Subalit nang pauwi na ako ay biglang nawala ang aking kasiyahan at ako'y nanlamig at nalungkot. Isang malaking katanungan ang summaglit sa aking isipan: Bakit kailangan niyang umalis?
Tulad ng napakaraming Pilipino, hangad ng aking pamangkin ang mangibang bansa upang doon makapagtrabaho. Kailangan daw sabi ng aking pamangkin dahil kakaramput ang kanyang kikitain kung dito sya magtratrabaho. Di baleng domestic helper sya doon. Di baleng tagapaglinis sya ng puwet ng isang matandang banyaga. Di baleng malayo sya sa kanyang mga mahal sa buhay.
Hindi ito ang first time na pagpunta ni Icel sa abroad. Noong first time ay may apat na taon na ang nakaraan. Limang buwan lang siya doon sa abroad ay bumalik siya dahil hindi niya nakayanan ang pagmamalupit ng kanyang amo. Sounds familiar ba? Pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Ito, bumalik ulit. Hanga talaga ako sa determinasyon niya.
Okay, okay...kailangan niyang umalis dahil sa kanyang sariling bansa ay walang disenteng trabahong para sa kanya period, period, period. Iyon lang naman eh. Kahit pa ilang ulit ko nang narinig na maganda at mayaman ang Pilipinas; Na napakaraming ginto at kung anu-ano pang kayamanan ang nakabaon sa lupa ng bansang ito. Ang lungkot isipin ang bagay na ito.
Mga ilan na rin ang nasaksihan kong nag-abroad. Mga kamag-anak, kababayan, kaibigan. Iyong iba, habang nag-aaply o nagtraitraining ay sa aking flat tumira. At siyempre hatid ko rin sila pag flight na nila. Iyong iba nangungutang pa. Ipapadala na lang daw ang bayad. Pagbalik nila magpapasundo sa airport at siyempre sa akin din titira pansamantala. Masaya ako kung may pasalubong. Pero okay na rin kung wala kasi nga biglaan daw ang uwi, o kaya hindi raw ibinigay ng amo ang huling suweldo, etc, etc.
May iba din na bigla ko lang narinig na nakauwi na pala sa probinsya. Okay na rin iyon. Ang importante ay nakatulong ako noong kailangan nila.
Nakailang beses ko na ring narinig ang katanungang - ikaw, wala ka bang planong mag-abroad? Ang madalas kong sagot ay saka na. Pero sa totoo lang, ayoko ko. Kahit noong bata pa ako ay wala akong balak magabroad para magtrabaho dahil kailangan. Gusto ko sana, (read it several times SANA) ay pupunta ako abroad as a tourist or businessman. Pero sa ngayon, nakakalungkot man sabihin ay napipilitan din akong gawin ang hindi ko gusto.
12 comments:
Goolduck kay Icel. Hope matino na ang mamo nya this time.
Ayoko din magwork abroad. Dito lang ako. Andito sa Pinas lahat ng kelangan ko. Pero gusto ko mag-abroad kung magttravel! ;D
Pareho pala tayo Chyng ng gusto. Yes I am really hope for the best for my pamangkin.
Sana dumating yung time na sobrang yaman na ng Pilipinas na hindi na natin kailangang mag-abroad.
To glentot, sana nga. Thanks for the visit
Hoping for the best sa pamangkin mo. Naniniwala ako na everything happens for a reason....kung mapait man yun, nagsisilbing aral sa atin at kung maganda naman, nagsisilbing magandang experience sa buhay natin.
Madalas naiisip ko rin ang katanungan na bakit kailangan ko pa mag-abroad, at tama dahil hindi kaya ng Pinas na bigyan ng magandang benepisyo ang mga nurses na tulad ko. Napakahirap tanggapin pero yan ang totoo.. sigh...sigh..
On a brighter side, masarap din mag abroad kapag maganda ang kalagayan mo. May trabaho ka na, nag eenjoy ka pang makita ang ibang lugar :)
To Misalyn, May point ka. May mga nag-abroad na guminhawa ang kanilang buhay. Baka nga may Taym din ang Pinas wala sumikat at yumaman.
hello there... i really want to expand my blog and get to know new blog friends, care to ex-link and follow my blog... after publishing this note, i will follow yours right away!
tsk, nakakalungkot talaga pero anu pa bang mga choices natin?wala naman e, nung iniwan ko yung baby ko magtu 2yr old palang,sabi ko magkabahay lang ng sarili ok na, nagyon dipa rin makauwi,kako pagkatapos na nya ng college, at pagkatapos naman ng college alam kong di ganun kadaling humanap ng trabaho, sasabihin ko nanaman saka na ko uuwi pag my mayos ng trabaho yung anak ko, kaso pag my trabaho na sya magaasawa na yun,sigh!
kaya ako hanggat kaya ko at hanggat my trabaho pa ko hala kayod nalang muna, maraming umaasa e.
gusto ko din mag-abroad.... pero bukod sa pera...gusto ko yun para makasama ko na din ang kalahati ng puso ko... :)
To ailee, Thanks for coming over and following. Cge, follow din kita.
To Lee, Hala mag-enjoy ka naman hindi lang puro kayod...
To Supergulamanm naks naman, cge follow your heart. Dyan ka sasaya, pramis.
Nakakalungkot naman 'tong post mo... :(
It's such a reflection of the sad state our country is in. I wish your pamangkin well. I hope this endeavour changes her life for the better.
I hope you won't have to leave the country too.
nakOoo.
ako din...
yung tito ko may plano akong kunin at ipasa sa akin ang trabaho nya sa abroad kasi parehas kami ng tinapos na kurso...
PERO AYOKO!!!
matulog nga lang sa ibang bahay, nahohome sick nako...pano pa pag milya milya ang layo ko sa kanila...
ang aking tatay pala nasa ibang bansa nagtratrabaho.
kaya ramdam ko ang pangungulila...
NAPAKALUNGKOT, tulad ngayun PASKO.
pero!tiis lang...
para sa ating kinabukasan naman ito...
haaaay... pero bakit nga ba?
kailangan pang ganito ang paraan para maging ma-inam ang bukas!
(drama ko...)
:P
Post a Comment