Pulubi
Sunday, December 13, 2009
Kapag ba nakakita kayo ng pulubi, ano ang nararamdaman ninyo?
Dito sa Pilipinas, nagkalat ang mga pulubi lalo na dito sa Metro Manila. Bata, matanda, may kapansanan o wala, makikita mo sila kung saan saan. Nariyan iyong kumkalabit sa likuran mo habang nakasakay sa jeep at andyan din iyong nagbibigay ng envelope pagkatapos ay tutugtugin iyong daladalang lata. Sa Recto na malapit sa Divisoria, may mga nanay pang kalong kalong ang anak at nanghihingi ng barya. Hayyyy third world country nga ang Pinas!
Kung minsan nagbibigay ako ng barya pero kadalasan ayoko kong magbigay. Ang alam ko may batas na nagbabawal magbigay sa mga pulubi lalo pag bata. Sa tingin ko may katwiran ang batas na ito. Kasi nga naman nakakabawas dignidad sa isang tao ang pagiging pulubi. Isama mo pa iyong mga sabi-sabi na miembro sila ng sindikato. Kung bata naman ayaw kong masanay siya doon.
Subalit nakakaawa tingnan iyong mga pulubi. Sabi ng isang kaibigan, paano kung ikaw ang ganyan? Tapos hindi ka bibigyan at mumurahin ka pa?
Ang turo ng simbahan ay dapat ibahagi ang mga blessings sa nangangailangan. Pero sa tingin ko may tamang paraan para magbahagi. Tulad ng pagbibigay donasyon sa mga foundation na kumukupkop sa mga batang lansangan.
Pero hindi ba nasa kultura nating Pinoy ang paghihingi. Isa rin itong klase ng pagiging pulubi. Nandyan ang mga kapitbahay o kaupisina na hingi ng hingi.
Hingi ng pagkain. Hingi ng tissue. Hingi ng kung anu-ano. Di ba pulubi din sila? Nariyan din ang mga citizens o local officials na hingi ng hingi ng tulong sa mga politiko kung kayat naghahanap ng makokorap ang politicians natin. Pero ibang usapan na ito.
Nandyan din iyong tuwing nagdadasal ay hingi ng hingi ng pabor kay Lord. O di ba lahat tayo ay pulubi?
Kanina lamang ay dumaan ako sa EDSA. Malayo pa ay may naririnig akong malakas na kumakanta. Noong malapit na ako ay kumanta siya ng "Give Love on Christmas Day". Napakaganda ng kanyang boses kung kaya't hindi na ako nagdalawang isip pang maghulog ng ilang barya sa kahon niya. Ito siya...
12 comments:
In an open class society like ours hheheeh..inglis yun ...toink... this category of people sa ayaw natin at sa gusto talagang nag-exist sila ... in fact, ngayon sa Davao nagkalat ito sila,... so it depends upon your heart ... to share or not... Hi glams ... maligayang pasko!
depende sa pulubi, madalas naaasar ako kesa naaawa.
alam na alam mo naman kasing mga sindikato lang, yun namang mga batang makukulit e anak anak nung mga tindera sa sidewalk.
yung mga bulag na kumakanta, dun ako nagbibigay at yung tahimik lang at di makulit.
merry xmas nga pala.
ganyan din ako minsan...
magbibigay? o hindi?
nakakainis na kasi minsan, lalo na yung makukulit at matataray!!!
ahaha.
one time kasing di kami nagbigay ng bestfriend ko, kinurot ako sa braso. ayun... hahampasin ko sana (JOKE LANG). pero umiwas na lang kami...
haaaaaaaay.
nakakalungkot. ayoko ng ganitong setting ee, yung kailangan mo pangmanghingi para magkaroon.
haaaaaay. (bugtong hininga na lang si gege...)
nicepost!!!
:P
i like this post... i can relate to it, ang ayaw ko lang tlga, ung mga persistent na mnghingi...
Dati sa Baguio habang nag-eemo ako sa Session Road eh may nadaaan akong pulubi na kumakanta ng napaka-emo na "Crying Time" at natouch ako kaya nagbigay ako ng dalawampiso kahit masakit sa loob wahaha
Ganyan talaga minsan tatamaan ka bigla ng awa....
the church teaches us to share our blessings but i don't think they are also encouraging us to give alms to the poor specially those in the streets. It's a very dangerous place at dapat wala sila don specially yung mga kids. marami namang ways to share our blessings eh. yun nga lang sympre hindi mo naman maiwasan na maawa din pero siguro mas maging mapanuri na lang din tayo sa pagbibigyan.
bout sa mga nanghihingi sa opisina, totoo nga yun. bili ka ng bili iba naman ang umuubos. hehe!
Nakakalungkot talaga ang ganyan. Kadalasan nai-experience ko ang dilemma kung magbibigay or hindi kapag sa mga bata, lalo na yung maliliit pa. Naiinis naman ako sa mga magulang ng mga baby at mga batang kalong kalong nila at kasama sa panglilimos. Pang nag-anak lang para ipalimos.
hay..sigh*
Donate na lang kayo sa foundation namin hehehe.
Honestly speaking... Depende sa mood ko ang pakikitungo ko sa mga pulubi...
May time na nagbibigay ako ng food (pero sa mga bata lang 'yun madalas at bulag) pero sa iba kasing kitang kita mo na mas malakas pa sa iyo... for me hindi sila deserving bigyan ng kahit na ano...
Sensya na...
may isang pulubi doon sa may bicutan. ang drama niya eh naka tungkod. lagi nyang tinuturo yung paa nya kapag nanghihingi.
pasaway na mama, nakita ko minsan sa may highway eh ang tinu-tinong lumakad.
Salamat sa mga bisita ninyong lahat. Gusto ko mang bumisita rin sa inyong mga site pero may problem ang internet connection ko.
See you ASAP...
picture speaks...
minsan nagbibigay din ako sa mga pulubi..
Post a Comment