Entreprenuership
Saturday, April 17, 2010
Pwede nga bang yumaman ang isang mahirap?
Syempre naman!
Pero pwede nga bang yumaman ang isang mahirap sa malinis na paraan?
Oo, syempre.
Paano?
Ang Sagot ko dito ay hindi lamang sipag at tiyaga sa pagnenegosyo (entreprenuership)tulad ng sinasabi ng isang pulitiko. Kasama rito ang swerte at tamang paghawak ng pera.
Ito ang aking pananaw. Kahit masipag at matiyaga ka, kung sakitin ka naman, iyong perag naiipon mo napunpunta sa paggamot mo. Paano ka yayaman? Isang pang halimbawa. Paano kung mataas ang suweldo mo o kita mo pero nilulustay mo lang sa pambababae o pagsusugal o sa iba pang bisyo, paano ka yayaman?
Mayroon akong matagal na kakilala. Matagal syang nagtrabaho at naghusay sa isang motorshop. Nagtayo sya ng sarili niyang repair shop. Iyong mga dating customer niya sa boss niya ay lumipat sa kanya. Ngayon mayroon na siyang malaking bahay at maraming sasakyan.
See? Mayroon pa akong isang halimbawa, isang probinsyana na nagtayo ng isang maliit na tindahan sa isang palengke sa Quezon City. Pinalago nya 'yong tindahan na yon. Ngayon may bahay na siya at sasakyan bukod sa nabili niyang sakahan sa probinsya at pinapag-aral ang mga anak sa pribadong paaralan.
Kayo, mayroon ba kayong kakilala na yumaman sa malinis na paraan?
7 comments:
Ang pagyaman sa malinis na paraan ay lubhang napakahirap pero magagawa. Tama si Villar sa pagsabing sikap at tiyaga ang susi sa pagangat sa kahirapan ngunit kailangan din nang tamang prinsipyo sa buhay katulad nang banal na pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Kasi kung meron ka nito ay hindi ka gagawa nang anumang bagay na makakasira sa relasyon mo sa Diyos at hindi ka rin manlalamang sa kapwa dahil sa pagmamahal mo sa kanila. Me isa pang bagay tungkol sa kayamanan. Kailangan na ambisyunin natin ang kayamanan para sa kabutihang magagawa nito sa atin at sa ating kapwa at hindi para magpakasasa lang dito. Kung ganito kasi ang pananaw natin ay mabubulid ang ating kaluluwa sa mga karangyaan at kaligayahang madudulot nang pera. Sabi nga sa Bibliya, "mas mahirap pang pumasok ang kamelyo sa butas nang karayom kaysa sa isang mayaman sa kaharian nang Diyos" at "kung nasaan ang iyong kayamanan, nandun din ang iyong puso." Si Abraham ay naging napakayaman nuong kapanahunan niya sa malinis na paraan at sa patnubay nang Maykapal. Salamat sa makabuluhang lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
i should agree. higit sa lahat, kalusugan ang dapat isinasa-alang alang... your health is your ultimate investment.
tama ka na bukod sa sipag at tiyaga dapat may suwerte rin at tamang pag hawak ng pera..maraming tao na masisipag talaga pero hindi naman yumaman.............pero kung masipag ka at matiyaga sa politika ay tiyak yayaman ka kahit walang suwerte..ibulsa ang pera na para sa bayan iyon ang ibig kong sabihin..hehe..
wow..i agree with these! :) yeah, poor people can become rich.. :D this is an informative post! :)
Meron naman. Dati syang katulong lang sa Italia, pero nagsikap talaga--tatlo, apat o walong trabaho--walang day off walang bakasyon, ayun after ng 10 taon nag retire sia at nagpagawa ng napakalaking bahay--kung saan sya na ang reyna.
Ansaya diba? Kwentong OFW yan.
Salamat sa pagdalaw mo sa blog ko.
Nice post, but peopledont have the tyaga to be rich lalo na yung iba that is why pumasok sa politika kasi bilis ng asenso sa pagnanakaw hehe. thanks for the post hope everybody can read this.
hmmmm...di ko maalala kung may kakilala ba akong yumaman sa malinis na paraan, hehehe. meron naman siguro, nakalimutan ko lang.
true. dito sa pilipinas, posibleng-posible ang yumaman ang mahirap. posible din naman na yumaman sa malinis na paraan. balita ko noon, sa india, hindi raw ganito. kung pinanganak kang mahirap, mahirap ka na talaga. ganun ba yun?
Post a Comment